Amok: 2 patay, pulis sugatan
October 3, 2004 | 12:00am
Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng pulisya ang isang 55-anyos na lalaki na may kapansanan sa pag-iisip makaraang mag-amok at makapatay ng isa niyang kapitbahay at ikinasugat pa ng isang pulis, kamakalawa ng gabi sa San Juan, Metro Manila.
Kinilala ni Supt. Rodelio Jocson, hepe ng San Juan police ang nasawing suspect na si Segundo Collado, residente ng Brgy. San Perfecto ng nasabing bayan.
Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-7:30 ng gabi sa nasabing lugar nang sumpungin umano ng sakit sa pag-iisip ang suspect at lumabas ito ng bahay na may dalang patalim.
Nakasalubong nito ang kapitbahay na nakilalang si Philip Gambiniado at walang sabi-sabing pinagsasaksak ito sa ibat-ibang bahagi ng katawan hanggang sa mamatay.
Agad namang nakahingi ng tulong sa pulisya ang mga kapitbahay. Mabilis namang nagresponde ang mga awtoridad sa lugar at pinakiusapan ang suspect na bitiwan ang hawak na patalim at sumuko na lamang.
Imbes na sumuko sinugod ng suspect ang mga kagawad ng pulisya at nasaksak sa braso at kamay si SPO4 Antonio Parayno kaya wala ng nagawa ang mga kasama nito kundi pagbabarilin ang suspect na siya nitong ikinamatay. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended