3 kritikal sa 'Akyat-bahay Gang'
September 29, 2004 | 12:00am
Kritikal ang tatlong miyembro ng isang pamilya kabilang ang isang lolo matapos na pagsasaksakin ng tatlong miyembro ng Akyat-bahay Gang na nanloob sa kanila, kamakalawa ng gabi sa Valenzuela City.
Inoobserbahan sa Valenzuela City General Hospital sanhi ng mga saksak sa ibat ibang bahagi ng katawan sina Pompeo Baculi, 64; Araceli Baculi, 53; at Marissa Baculi, pawang residente ng Marcelo St., Lingahan, Brgy. Malanday ng nasabing lungsod.
Sa ulat, dakong alas-10:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng tahanan ng pamilya Baculi.
Kasalukuyang nanonood ng telebisyon ang mga biktimang sina Araceli at Marissa nang biglang magsipasok ang tatlong hindi nakikilalang lalaking pinaniniwalaang miyembro ng Akyat-bahay Gang.
Agad na tinutukan ng mga ito ng patalim sa leeg ang dalawang biktima ngunit nagtangka pa rin ang dalawa na manlaban kayat kapwa sila inundayan ng saksak sa katawan ng mga suspect.
Dahil naman sa nagaganap na ingay sa ibaba ng bahay ay bumaba mula sa ikalawang palapag ang biktimang si Pompeo at ng makita nito ang tatlong suspect na armado ng patalim ay nagtangka din itong manlaban na naging dahilan upang pagsasaksakin din ito.
Bagamat sugatan ay nagawa namang makasigaw ng matanda upang humingi ng tulong sa mga kapitbahay na naging dahilan upang mabulabog at magsitakas ang mga suspect.
Agad namang dinala sa pagamutan ang mga biktima.
Patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya ukol dito. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest