^

Metro

150 sako ng bigas ng NFA, nasamsam sa sindikato

-
Saku-sakong bigas mula sa National Food Authority (NFA) na muling nirerepake ng isang sindikato ang nakumpiska ng mga operatiba ng Western Police District Special Operations Group (WPD-SOG) kasabay ng pagkakaaresto sa dalawa katao sa isinagawang operasyon sa Maynila.

Base sa report ni SPO3 Victorino Batara ng SOG, umabot sa mahigit 150 sako ng bigas ang kanilang nakumpiska sa 1924 Carreon St., Sta. Ana, Maynila habang lulan pa ng dalawang aluminum-closed van na may plate no. RAY-118 at XJP-804.

Samantala, mabilis namang naaresto ng pulisya sina Adoracion del Rosario, may-ari ng nasabing garahe at Francisco Dio, 44, isang NFA dealer, ng #1740 Bagong Buhay st., Baclaran, Pasay City.

Ayon kay Batara, nirerepake umano ang naturang mga bigas at inilalagay sa sakong may tatak na commercial rice at ibinebenta ito sa malaking halaga sa mga pamilihan sa Metro Manila at karatig-lalawigan.

Nabatid na nadiskubre ang illegal na operasyon ng sindikato matapos na tumawag sa SOG ang isang di-nagpakilalang impormante dahil sa umano’y hindi na niya matiis ang ginagawang panloloko ng nasabing grupo.

Ang NFA rice ay mas mura ang halaga (P18) kumpara sa mga commercial rice na umaabot ngayon sa P25-P30 bawat kilo.

Sinabi pa ng pulisya na kaya nirerepake ng sindikato ang NFA rice ay upang malaki ang kitain ng sindikato dahil maibebenta ito sa mas malaking halaga kumpara sa tunay na presyo nito.

Kasalukuyang nakapiit ang mga suspect habang inihahanda ang kasong illegal diversion of NFA rice laban sa mga ito. (Ulat ni Gemma Amargo)

vuukle comment

BAGONG BUHAY

CARREON ST.

FRANCISCO DIO

GEMMA AMARGO

MAYNILA

METRO MANILA

NATIONAL FOOD AUTHORITY

PASAY CITY

VICTORINO BATARA

WESTERN POLICE DISTRICT SPECIAL OPERATIONS GROUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with