Shootout: Holdaper dedo sa pulis
September 26, 2004 | 12:00am
Isang holdaper ang nasawi, habang malubhang nasugatan ang kasamahan nito makaraang makipagpalitan ng putok sa mga rumespondeng awtoridad, kamakalawa ng hapon sa Parañaque City.
Hindi na umabot ng buhay sa Parañaque Community Hospital sanhi ng tinamong tama ng bala sa tiyan si Dominique Resterio, ng Merville BF, Parañaque City.
Sugatan naman si Mario Eskosa, 25, ginagamot sa South Superhighway Hospital bunga ng tama ng bala sa katawan.
Ayon sa ulat ni SPO3 Odeo Carino, ng Criminal Investigation Division (CID) Parañaque City Police, ang insidente ay naganap dakong alas-3 ng hapon sa Sampaguita St., Secom Brgy. Antonio ng nasabing lungsod.
Nabatid na inaabangan na ng mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP-4) ang dalawang suspect na hinihinalang nangholdap kay Walter Tillo na natangayan ng P30,000.
Natunugan umano ng dalawa na sila ay minamanmanan ng mga operatiba kaya nang makita ang mga pulis ay agad na nilang pinaputukan ang mga ito.
Kahit may mga tama na ang dalawang suspect ay nagawa pang tumakas ng mga ito subalit nakarating sa kaalaman ng mga awtoridad na nagpagamot sa South Superhighway Hospital si Eskosa at ilang sandali ay isinugod din doon si Resterio.
Sa hindi malamang dahilan, inilipat sa Parañaque Community Hospital si Resterio subalit binawian na ito ng buhay bago idating sa naturang pagamutan. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended