Brgy. captain nag-rambo vs 2 nag-aaway na grupo
September 19, 2004 | 12:00am
Sugatan ang dalawang miyembro ng magkalabang frat matapos umanong barilin ng isang barangay chairman dahil sa ayaw paawat sa pagrarambol sa Sampaloc, Maynila.
Nakilala ang dalawang sugatang biktima na sina Arjin Rosua, 19 at Edilberto San Juan, 17, na tinamaan sa hita at braso.
Nakatakda namang kasuhan ang barangay chairman na nakilalang si Arkie Rosales, 41, ng Brgy. 401, Zone 41, District 4, Sampaloc, Maynila.
Sa imbestigasyon ng pulisya nagpang-abot ang grupong Samahan Walang Iwanan (SWI) at Tempol Street Trese bandang alas-2:30 kahapon ng madaling araw sa kahabaan ng Sulucan St., ng naturang lugar.
Nagkagulo umano ang magkalabang frat hanggang sa mamataan ito ng brgy. chairman na umawat sa nagrarambulang grupo.
Itinuro ng dalawang biktima ang kapitan na siyang bumaril sa kanila na itinanggi naman ng brgy. chairman.
Sa pagsisiyasat ng pulisya, negatibo sa powder burns ang suspect at wala ring nakuhang baril o anumang uri ng basyo ng bala sa lugar ng insidente.
Hinala ng mga awtoridad na galing umano sa nagrarambulang grupo ang baril na tumama sa mga biktima. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am