2 pang preso sa Manila City Jail, nasawi
September 19, 2004 | 12:00am
Isang misteryosong sakit ang sinasabing nanalanta sa Manila City Jail compound makaraang dalawa na namang bilanggo dito ang magkasunod na nasawi sa loob lamang ng 24 oras.
Base sa rekord ng homicide section ng Western Police District (WPD) bigla na lamang umanong hinimatay at agad na namatay ang dalawang preso sa magkasunod na insidente.
Isa dito si Agosto Azana, 37, ay iniulat na nahirapang huminga habang nasa loob ito ng kanyang kulungan sa Cell. No. 8 dakong alas-10:30 ng gabi noong Biyernes. Agad itong dinala sa jails infirmary at binigyan ng medikasyon. Ibabalik na ito sa kanyang selda nang bigla itong mag-collapsed. Patay na ito nang idating sa Jose Reyes Memorial Medical Center.
Ilang oras ang nakalipas, ang preso namang si Joel Euroba ng Dormitory 11 ang nahirapan ding huminga at umihi. Dinala rin siya sa nasabing pagamutan subalit hindi na umabot nang buhay.
Ang pagkamatay ng dalawang bilanggo ay kasunod lamang nang pagkasawi noong nakalipas na buwan ng dalawa pang inmate na sina Francisco Malinao, 28, at Fernando Flores, 38, na ganoon din ang naramdaman bago binawian ng buhay.
Hindi pa malinaw kung anong sakit ang tumama sa mga preso. (Ulat ni Nestor Etolle

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended