^

Metro

3 miyembro ng ‘bolt cutter gang’ nadakip

-
Nabuwag na ng pulisya ang grupo ng acethylene/bolt cutter gang na responsable sa sunud-sunod na nakawan sa mga bangko at iba’t ibang establisimento sa Metro Manila at karatig lalawigan ng Rizal makaraang maaktuhan ito ng pulisya habang tangkang nakawan ang isang establisimento, kahapon ng madaling araw sa Marikina City.

Kinilala ni Sr. Supt. Felipe Rojas Jr., hepe ng Marikina Police ang mga suspect na sina Benjie Santosan, 37; Fortunato Delima, 54; at Reynaldo delos Reyes, 34, pawang tubong Mansalay, Mindoro Oriental at nakatira sa Caimito St., Berdan Subdivision sa Las Piñas.

Sa ulat nadakip ang mga suspect dakong alas-4:30 ng madaling-araw makaraang makatanggap ng tawag ang Marikina police na may mga kalalakihang puwersahang binubuksan ang tanggapan ng Light Speed Trading Phil., nagbebenta ng mga makina sa paggawa ng sapatos na matatagpuan sa J.P. Rizal St., Brgy. Sto Niño ng nabanggit na lungsod.

Agad namang nagresponde ang mga kagawad ng pulisya at naaktuhan ang mga suspect na tinatanggal na ang padlock ng nasabing establisimento.

Narekober sa mga nadakip ang isang kulay puting L-300 van, bolt cutter, isang set ng acethelyn at oxygen, bareta de kabra at iba pang gamit sa pagbaklas ng kandado.

Ayon pa kay Rojas, inamin ng mga suspect na sila ang responsable sa sunud-sunod na nakawan na gamit ang acethylene tank sa Rizal, Cavite at Marikina.

Kabilang sa kanilang nilooban ay ang Marikina Valley Rural Bank sa Marikina City noong Agosto 9, 2004 at Real Thrift Bank sa Cainta, Rizal noong lamang Lunes.

Kasalukuyan namang sumasailalim pa sa interogasyon ang mga nadakip para alamin pa kung sinu-sino ang mga kasama nila sa operasyon. (Ulat ni Edwin Balasa)

vuukle comment

BENJIE SANTOSAN

BERDAN SUBDIVISION

CAIMITO ST.

EDWIN BALASA

FELIPE ROJAS JR.

FORTUNATO DELIMA

LAS PI

MARIKINA CITY

RIZAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with