Jeep sinuwag ng truck: 4 todas
September 16, 2004 | 12:00am
Apat katao ang nasawi kabilang ang isang mag-live-in, habang dalawa pa ang nasa malubhang kalagayan makaraang salpukin ng isang truck ang sinasakyang pampasaherong jeep ng mga biktima, kamakalawa ng gabi sa Navotas.
Patay na bago pa idating sa Tondo Medical Center sina Jaime Paredes, 56, driver; ang ka- live-in nitong si Mila Corales at dalawang hindi pa nakikilalang babae. Samantalang nakaratay pa rin sa nabanggit na pagamutan ang dalawa pang sugatang sina Raquel dela Cruz, 28, at Charlie Timog, 44.
Pinaghahanap naman ng mga awtoridad ang hindi pa nakikilalang driver ng 10-wheeler truck na may plakang PXG-459 na pag-aari ng Kaunlaran Trucking Co. na mabilis na tumakas matapos ang insidente.
Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-8:30 ng gabi nang maganap ang aksidente sa paanan ng Marala Bridge na matatagpuan sa boundary ng North Bay Boulevard, Navotas at Tondo, Manila.
Kasalukuyang minamaneho ni Paredes ang pampasaherong jeep na may plakang NVA-491 at binabagtas ang kahabaan ng Honorio Lopez patungong Divisoria nang biglang salpukin ng truck ang unahang bahagi ng sasakyan.
Sa lakas ng pagkabangga ay mistulang latang nayupi ang unahang bahagi ng jeep na naging dahilan ng pagkamatay ng apat na katao at pagkasugat pa ng dalawa.
Sa pahayag ng ilang nakasaksi, pinilit umanong unahan ng truck ang isa pang pampasaherong jeep subalit hindi agad nito nakita ang kasalubong na jeep na kinalululanan ng mga biktima. Hindi na nagawa pa ng truck na makaiwas dahil sa bilis ng takbo nito. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended