Ang mga imported na itik na naka-consigned sa EJG Mighty Duck Farm na matatagpuan sa Osmeña Highway, Manila ay dumating sa NAIA noong Setyembre 9, 2004 buhat sa France via Bangkok lulan ng Air France flight AF 166.
Agad naman itong ginawaran ng warrant of seizure and detention order ng BoC dahil sa paglabag sa memorandum ng Dept. of Agriculture (DA) na nagbabawal sa lahat ng transshipment ng anumang uri ng ibon sa mga bansang apektado ng avian flu virus kabilang na ang Thailand.
Bago sunugin ang mga imported Peking ducks ay kinumbinsi ni Dr. Dave Catbagan ang pamunuan ng Air France na ibalik na lamang ang mga ibon sa naturang bansa subalit tumanggi ang mga ito dahil hindi na rin tatanggapin ng France ang mga ibon, dahil dadaan ding muli sa Bangkok ang eroplano. (Ulat ni Butch M. Quejada)