^

Metro

467 itik 'nilitson ng buhay'

-
Apat na raan at animnapu’t pitong (467) imported Peking ducks ang sinunog kahapon ng Veterinary Quarantine Office sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) makaraang kumpiskahin ng Bureau of Customs.

Ang mga imported na itik na naka-consigned sa EJG Mighty Duck Farm na matatagpuan sa Osmeña Highway, Manila ay dumating sa NAIA noong Setyembre 9, 2004 buhat sa France via Bangkok lulan ng Air France flight AF 166.

Agad naman itong ginawaran ng warrant of seizure and detention order ng BoC dahil sa paglabag sa memorandum ng Dept. of Agriculture (DA) na nagbabawal sa lahat ng transshipment ng anumang uri ng ibon sa mga bansang apektado ng avian flu virus kabilang na ang Thailand.

Bago sunugin ang mga imported Peking ducks ay kinumbinsi ni Dr. Dave Catbagan ang pamunuan ng Air France na ibalik na lamang ang mga ibon sa naturang bansa subalit tumanggi ang mga ito dahil hindi na rin tatanggapin ng France ang mga ibon, dahil dadaan ding muli sa Bangkok ang eroplano. (Ulat ni Butch M. Quejada)

vuukle comment

AIR FRANCE

APAT

BUREAU OF CUSTOMS

BUTCH M

DR. DAVE CATBAGAN

MIGHTY DUCK FARM

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

OSME

VETERINARY QUARANTINE OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with