^

Metro

Depositors ng FSB binayaran na

-
Daan-daang depositors sa nagsarang First Savings Bank sa Divisoria ang muling dumagsa matapos na simulan kahapong ibalik ng pamunuan ng Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC) ang kanilang idinepositong pera.

Dakong alas-8 ng umaga ay nagsimula na ang proseso sa pagkuha ng kani-kanilang pera ang mga depositors sa FSB sa pamamagitan na rin ng tulong ng PDIC na pinamumunuan ni Ricardo Tan.

Nabatid na araw-araw ay mahigit sa 100 depositors ang sasailalim sa proseso upang maibalik ang kanilang naidepositong pera sa nagsarang bangko.

Ayon pa sa PDIC, ang mga depositors na mayroong depositong P5,000 pababa ay maaaring makuha ng cash ang kanilang pera subalit kapag ito ay P5,000 pataas ay tseke ang ibibigay sa kanila na maaari naman agad ipalit sa Land Bank of the Philippines.

Naging madali naman ang pagbawi ng mga depositors sa kanilang pera dahil sa ang mga kaukulang requirements ay dala na ng mga ito tulad ng bank book, certificate of time deposits at ang kanilang latest bank statements at iba pang dokumento na nagpapatunay na sila ay may idinepositong pera sa nasabing bangko.

Magugunita na noon lamang nakaraang Lunes biglang-bigla ang pagsasara ng bangko dahil sa umano’y pagkalugi. Agad na naalarma ang mga depositors nito na karamihan ay maliliit na negosyante sa Divisoria. (Ulat ni Gemma Amargo)

AYON

DAAN

DAKONG

DEPOSITORS

DIVISORIA

FIRST SAVINGS BANK

GEMMA AMARGO

LAND BANK OF THE PHILIPPINES

PHILIPPINE DEPOSIT INSURANCE CORPORATION

RICARDO TAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with