^

Metro

Manila Engineering Dept., kakasuhan sa 'open canal'

-
Kasong administratibo ang isinampa ng isang 41-anyos na lalaki laban sa hepe ng Manila Engineering Department matapos siyang mahulog sa isang bukas na kanal at makainom ng maraming tubig na nagresulta sa pagkakaroon niya ng leptospirosis.

Ayon sa salaysay ni Michael Angelo-Go, ng Zamora St., Pandacan, Manila na noong Agosto 25, 2004 naganap ang insidente sa panulukan ng Antipolo at Jose Abad Santos Avenue sa Tondo sa kalakasan ng ulan.

Dahil sa malakas na ulan ay nagsimulang tumaas ang tubig at habang naglalakad siya sa gilid ng daan ay hindi niya akalain na may isang bukas na imburnal na wala namang nakaharang o nakalagay na tanda na may malalim na butas doon.

Dire-diretsong nahulog pailalim sa kanal si Go dahilan upang makainom siya ng tatlong lagok na tubig kanal, samantalang masuwerte naman itong nasagip ng ilang nakasaksi sa insidente.

Agosto 29, napansin ni Go na tinubuan siya ng mga rashes sa katawan, namula ang kanyang mga mata at nanakit ang katawan at nang siya ay magpasuri sa PGH lumabas na positibo siya sa leptospirosis at posibleng may ihi ng daga ang tubig na kanyang nainom bunga ng pagkahulog.

Sinabi ni Go na responsibilidad ng Office of the City Engineer sa Maynila na maglagay ng mga precautionary measures upang hindi maaksidente ang mga taong nagdaraan sa mga bukas nilang imburnal.

Dahil dito, nagpasya si Go na sampahan ng kasong administratibo si City Engineer Armand Andres at ang lokal na pamahalaan ng Maynila dahil sa insidente. Maghahain din siya ng kasong civil sa Manila RTC upang magbayad ng danyos ang mga opisyal sa lungsod. (Ulat ni Gemma Amargo)

vuukle comment

AGOSTO

CITY ENGINEER ARMAND ANDRES

DAHIL

GEMMA AMARGO

JOSE ABAD SANTOS AVENUE

MANILA ENGINEERING DEPARTMENT

MAYNILA

MICHAEL ANGELO-GO

OFFICE OF THE CITY ENGINEER

ZAMORA ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with