^

Metro

Escort girl ino-onse ng bugaw, nagtangkang magpakamatay

-
Bigo ang isang babae na umaming escort girl sa tangka niyang pagpapakamatay makaraang masagip ito sa akto ng mga pulis nang mahawakan ang kanyang kamay matapos na tumalon sa McArthur bridge sa Sta. Cruz, Maynila kahapon ng madaling araw.

Nag-iiiyak sa loob ng WPD Station 11 dahil sa bigong pagpapakamatay ang babae na itinago sa pangalang Joy.

Ayon sa ulat, napansin ng dalawang pulis na sakay ng isang mobile patrol car ang babae na pabalik-balik sa naturang lugar. Nabigla ang mga pulis ng makitang umakyat ang babae sa tulay at nag-akmang tatalon.

Agad na naagapan ng dalawang pulis ang biktima bago ito tuluyang mahulog.

Ipinagtapat ni Joy sa mga imbestigador na sobrang hirap ng buhay at pasakit na kanyang nararanasan sa kanyang trabaho bilang ‘escort girl’ kung kaya nagpasya na siyang magpakamatay. Sinabi pa nito na hiniwalayan na siya ng kanyang asawa kaya siya ngayon ang bumubuhay sa dalawa niyang anak.

Dahil sa walang alam na trabaho, pumasok siya bilang escort girl na hawak ng bugaw na kinilala niya sa pangalang Danna.Hindi na umano niya matiis ang pambababoy sa kanya ng mga kostumer lalo na ng mga dayuhan.

Nakadagdag pa sa kanyang dinadala ang ginagawang pang-oonse ng kanyang bugaw sa pagkakaltas ng malaking halaga sa ibinabayad sa kanya. Nang minsan umanong magreklamo siya ay ipinabugbog pa siya nito sa mga tauhan nito sa harap ng isang videoke bar sa Binondo. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

AYON

BIGO

BINONDO

CRUZ

DAHIL

DANILO GARCIA

DANNA

IPINAGTAPAT

KANYANG

MAYNILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with