Nasawi noon din ang biktimang si Senior Navy 1 Villavicencio Perez, 39, nakatalaga bilang Flag Officer in Charge sa Sangley Point, Cavite City at residente ng 428 Tanguile St., Brgy. Cembo, Makati City sanhi ng tama ng bala sa ulo buhat sa kalibre.45 na baril.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-8:15 ng gabi sa loob ng bahay nito sa nabanggit na lugar.
Nabatid na umuwi ang biktima sa kanilang bahay upang sandaling magpahinga dahil kagagaling lamang nito sa duty sa Cavite City. Habang nanonood ng telebisyon ang biktima ay umiinom ito ng alak at pagkalipas ng ilang oras, nakita ito ng kanyang kaanak na hawak ang service firearm kung saan itinutok pa ito sa kanyang ulo.
Ilang segundo pa ay umalingawngaw ang malakas na putok ng baril hanggang sa makita na ng kanyang kaanak na nakahandusay ito at duguan.
Wala namang alam ang mga kaanak nito na dahilan sa pagpapakamatay ni Perez, hanggang ngayon ay masusing imbestigasyon pa rin ang isinasagawa ukol dito. (Ulat ni Lordeth Bonilla)