Killer ng mediaman sumuko
September 14, 2004 | 12:00am
Matapos ang mahigit na dalawang taong pagtatago, sumuko na kahapon kay PNP chief Director General Edgar Aglipay ang isang dating pulis na itinuturong gunman ng isang radio commentator na nakabase sa Pagadian City.
Iniharap sa mga mediamen ni Aglipay ang suspect na nakilalang si Guillermo Walipe, ex-pulis na itinuturong sangkot sa pagpatay kay Edward Damalerio, anchorman ng DXKP radio na nakabase sa lungsod ng Pagadian.
Sinabi ni Aglipay na si Walipe ay sumuko dakong ala-1:30 ng hapon noong nakalipas na linggo sa mga opisyal sa Region 9 matapos ang dalawang linggong negosasyon.
Si Damalerio, radio commentator at managing editor ng Zamboanga Scribe ay pinagbabaril ng mga armadong kalalakihan na sakay naman ng motorsiklo sa Pagadian City, Zamboanga del Sur noong Mayo 13, 2002.
Nabatid na ang suspect na si Walipe ay nadismis sa serbisyo noong nakalipas na Enero 8, 2003 matapos na ituro ng mga testigo na siyang bumaril at pumaslang kay Damalerio.
Sa kasalukuyan ay anggulong pulitika ang nakikitang motibo sa isinagawang krimen habang patuloy ang pagtugis laban sa nakalalaya pang mga salarin. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended