^

Metro

Mga may-ari ng gusali at kompanya pinasusunod sa fist safety rules

-
Nagbabala si Interior and Local Government Secretary Angelo Reyes sa mga establisimyento at kompanya na agad na ayusin ang mga depektibo kuryente na posibleng pagsimulan ng sunog.

Ayon kay Reyes, kailangan na siyasating mabuti ng mga may-ari ng mga gusali at establisimyento ang koneksiyon ng mga kawad ng kuryente upang maiwasan ang sunog na posibleng makadamay ng buhay ng tao. Aniya tatlo pa lamang sa mga kompanya at gusali na nakabase sa Metro Manila ang nangako na susunod fire safety rules na ipinatutupad ng Bureau of Fire Protection (BFP).

Sinabi naman ni Supt. Bobby Baruelo ng BFP na hiniling sa kanila ng pamunuan ng Robinson’s Galleria na isailalim ang kanilang shopping mall sa masusing inspection at ayusin ang anumang sira na matutuklasan dito, gayundin ang University of Perpetual Help sa Las Piñas na nangako na kanilang aayusin ang mga depektibo na nakita sa kanilang school building noong nakalipas na fire inspection.

Nagsagawa naman ng sariling fire drill ang Joe Kuan Food Corporation upang maging pamilyar ang kanilang mga kawani sa mga dapat na gawin upang makaligtas sa sunog.

Dahil dito, nanawagan din si DILG Undersecretary for Peace and Order Marius Corpus sa ibang establisimyento na tularan ang pagkikipagtulungan ng tatlong kompanya at gusali upang maiwasan ang pagkalat ng sunog na kadalasang nakapandadamay pa ng ibang ari-arian.

Samantala, ilang business establishment sa Quezon City ang natuklasang walang sapat na fire safety signs, fire exit at fire brigade. (Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

BOBBY BARUELO

BUREAU OF FIRE PROTECTION

DORIS FRANCHE

FIRE

JOE KUAN FOOD CORPORATION

LAS PI

METRO MANILA

PEACE AND ORDER MARIUS CORPUS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with