Dead on the spot sanhi ng siyam na saksak sa ibat ibang bahagi ng katawan ang biktima na si Feliciano Rizala, 35, habang nagtamo naman ng sugat ang kaibigan nitong si Reynaldo Cuyugan, 29. Kasalukuyan namang nakakulong ang mga suspect na sina Rolando, 56 at Ronaldo Tiongson, 29; Christian Orig at Joel Ulba, 20, pawang mga residente ng Pritil, Tondo, Maynila.
Lumilitaw sa imbestigasyon ng WPD-Homicide Division, naganap ang insidente dakong alas 7:30 sa tapat ng bahay ng biktimang si Rizala kung saan kasama nito si Cuyugan.
Sinita ni Cuyugan ang mga lasing na suspect na napadaan at hinamon ng suntukan. Pinatulan naman ng mga suspect ang hamon ni Cuyugan hanggang sa maglabas ng patalim ang mga ito.
Pinagtulungan ng mga suspect ang dalawang biktima hanggang sa makorner ng mga ito si Rizala at pagsasaksakin ng siyam na beses. (Ulat ni Danilo Garcia)