^

Metro

Nanita ng senglot, lalaki kinatay

-
Makaraang sitahin ang apat na lasenggo at nag-iingay sa kanilang lugar, isang lalaki ang pinagsasaksak hanggang sa masawi habang sugatan naman ang kaibigan nito kamakalawa ng gabi sa Sampaloc, Maynila.

Dead on the spot sanhi ng siyam na saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima na si Feliciano Rizala, 35, habang nagtamo naman ng sugat ang kaibigan nitong si Reynaldo Cuyugan, 29. Kasalukuyan namang nakakulong ang mga suspect na sina Rolando, 56 at Ronaldo Tiongson, 29; Christian Orig at Joel Ulba, 20, pawang mga residente ng Pritil, Tondo, Maynila.

Lumilitaw sa imbestigasyon ng WPD-Homicide Division, naganap ang insidente dakong alas 7:30 sa tapat ng bahay ng biktimang si Rizala kung saan kasama nito si Cuyugan.

Sinita ni Cuyugan ang mga lasing na suspect na napadaan at hinamon ng suntukan. Pinatulan naman ng mga suspect ang hamon ni Cuyugan hanggang sa maglabas ng patalim ang mga ito.

Pinagtulungan ng mga suspect ang dalawang biktima hanggang sa makorner ng mga ito si Rizala at pagsasaksakin ng siyam na beses. (Ulat ni Danilo Garcia)

CHRISTIAN ORIG

CUYUGAN

DANILO GARCIA

FELICIANO RIZALA

HOMICIDE DIVISION

JOEL ULBA

MAYNILA

REYNALDO CUYUGAN

RIZALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with