^

Metro

18 entertainer nasagip sa malupit na employer

-
Labing-walong lady entertainer na patungong Japan ang nailigtas ng mga tauhan ng Central Police District-Kamuning Station matapos na dumanas ng pagmamalupit at pagmamaltrato sa kanilang employer makaraang salakayin ang isang promotion agency sa Quezon City kamakalawa ng gabi.

Sinalakay ng mga awtoridad ang Firjamm Training Center na nasa 173 Unit D-8 Wilvic Townhouse, Sct. Limbaga matapos na makatanggap ng ulat na may 30 kababaihan ang nakakulong sa nasabing lugar.

Ayon sa mga kababaihan na galing Davao del Norte, Tarlac, Bicol at Bulacan ang kanilang employer ay nakilala sa pangalang Rowena Toledo.

Nabatid sa ginawang pagsalakay na walang kaukulang lisensiya ang nasabing training center.

Isinalaysay ng mga biktima na pinangakuan sila ni Toledo ng trabaho sa Japan bilang mga entertainer anim na buwan na ang nakakaraan subalit hanggang sa ngayon ay hindi pa sila nakakaalis bagkus dumanas pa sila ng sobrang hirap at pananakit nito.

"Hindi kami pinalalabas at laging naka-padlock ang pinto at ang mga bisita namin ay sa labas lang namin nakakausap," pahayag pa ng isang biktima.

Inireklamo din ng mga biktima ang pagkakaroon pa nila ng utang kay Toledo habang nasa promotion agency sila. Isa sa mga biktima si Maricel Lastra na umano’y sinisingil ni Toledo ng P22,000 sa loob lamang ng dalawang buwang pananatili sa promotion.

Kadalasan umanong sinisingil ni Toledo ang mga biktima ng P350 bawat araw at habang ang iba naman ay P150 subalit hindi sila pinakakain ng sapat.

Kasalukuyan namang pinaghahanap ng mga awtoridad si Toldeo at inihahanda na ang kasong serious illegal detention laban dito. (Ulat ni Doris Franche)

AYON

CENTRAL POLICE DISTRICT-KAMUNING STATION

DORIS FRANCHE

FIRJAMM TRAINING CENTER

MARICEL LASTRA

QUEZON CITY

ROWENA TOLEDO

UNIT D

WILVIC TOWNHOUSE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with