Mag-utol nag-inuman saka nagsaksakan
September 12, 2004 | 12:00am
Kapwa agaw-buhay ang magkapatid na lalaki matapos na magbarilan habang nag-iinuman at pagtalunan kung sino sa kanila ang mauunang makakatulog, kahapon ng madaling-araw sa Pasay City.
Ginagamot sa San Juan de Dios at ang isa naman ay sa Pasay City General Hospital ang magkapatid na sina Jose Nofeas, 45, at Antonio Nofeas, 41, kapwa naninirahan sa #400 Sgt. Mariano St., Pasay City sanhi ng tinamong mga tama ng bala ng baril sa kani-kanilang katawan.
Sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-12 kahapon ng madaling-araw sa loob ng Sgt. Mariano Public Cemetery ng nabanggit na lugar.
Nabatid na gabi pa lamang ay nag-iinuman na ang magkapatid, hanggang sa inabot na sila ng madaling-araw ay masaya pa rin sa inuman at kuwentuhan.
Paumaga na nang magtalo ang dalawa sa kung sino sa kanilang dalawa ang mauunang hihinto sa pag-inom at makakatulog.
Ipinilit ni Jose na kaya pa niya at hindi siya makakatulog, gayunman sinabi naman ni Antonio na kahit kailan ay hindi pa siya sumuko sa inuman.
Dito na nagsimulang magtalo ang dalawa dala na rin ng sobrang kalasingan hanggang sa mauwi sa mainitang komprontasyon at kapwa kumuha ng kani-kanilang sumpak at nagbarilan.
Mabilis silang isinugod ng kanilang mga kamag-anak sa pagamutan at kapwa nasa malubhang kondisyon sa kasalukuyan. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended