Ang mga mag-aaral ay pawang nag-aaral sa San Joaquin Elementary School.
Ayon sa ulat naganap ang insidente dakong alas-7 ng umaga makaraang makalanghap ng masangsang na amoy ang mga estudyante maging ang mga guro nang mag-leak ang hindi pa batid na chemical factory na katabi ng naturang eskuwelahan.
Nahilo at nagsuka at hindi halos makahinga sanhi ng paninikip ng dibdib ang karamihan sa mga mag-aaral na agad namang binigyan ng kaukulang lunas, subalit 36 sa mga ito ang lubhang naapektuhan kaya kinailangang isugod sa pagamutan ng mga nagrespondeng ambulansiya.
Dahil sa pangyayari ay agad namang ipinag-utos ni Pasig City Mayor Vicente Eusebio na ikansela ang klase sa magkatabing San Joaquin at Kalawaan Elementary School.
Ipinag-utos din ni Eusebio sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang malawakang pagsisiyasat upang matukoy kung anong pabrika ng kemikal ang responsable sa naganap na insidente.
Nabatid na may apat na pabrika ng kemikal ang nakapaligid sa nasabing lugar subalit dalawa sa mga ito ang hinihinalang responsable sa chemical leak, ito ay ang Unilux Manufacturing Corp na gumagawa ng baterya at ang img Chemical Corp. na gumagawa naman ng sulfurix dioxide at baterya. (Edwin Balasa)