Ayon kay Belmonte, ang anumang matitipid ng city government ay idadagdag sa benepisyung matatanggap ng mga residente ng lungsod.
Aniya, kailangan lamang na sundin ng mga kawani ng city hall ang bagong direktiba upang maging matagumpay ang kampanya ng pamahalaan laban sa sobrang paggastos.
Mahigpit na ipatutupad ang pagpatay ng kuryente at supply ng tubig pagsapit ng alas 5 ng hapon samantalang ang telepono, computers at internet ay eklusibo lamang sa mga opisina.
Isasara rin ang elevator mula alas 12 hanggang alas-1 ng hapon at ipinatatanggal din ni Belmonte ang International Direct Dialing (IDD) lines sa city hall upang maiwasan ang long distance at overseas call na nakakadagdag sa gastusin.
Tiniyak din ni Belmonte na bagamat may pagtitipid, hindi naman maaapektuhan ang pagbibigay ng serbisyo sa mga residente ng QC. (Ulat ni Angie dela Cruz)