Cost-cutting measure ipatutupad sa QC
September 10, 2004 | 12:00am
Ipatutupad ni Quezon City Mayor Feliciano Belmonte ang cost cutting measure sa mga pasilidad tulad ng telepono at kuryente alinsunod na rin sa layunin ng pamahalaan ng pagtitipid.
Ayon kay Belmonte, ang anumang matitipid ng city government ay idadagdag sa benepisyung matatanggap ng mga residente ng lungsod.
Aniya, kailangan lamang na sundin ng mga kawani ng city hall ang bagong direktiba upang maging matagumpay ang kampanya ng pamahalaan laban sa sobrang paggastos.
Mahigpit na ipatutupad ang pagpatay ng kuryente at supply ng tubig pagsapit ng alas 5 ng hapon samantalang ang telepono, computers at internet ay eklusibo lamang sa mga opisina.
Isasara rin ang elevator mula alas 12 hanggang alas-1 ng hapon at ipinatatanggal din ni Belmonte ang International Direct Dialing (IDD) lines sa city hall upang maiwasan ang long distance at overseas call na nakakadagdag sa gastusin.
Tiniyak din ni Belmonte na bagamat may pagtitipid, hindi naman maaapektuhan ang pagbibigay ng serbisyo sa mga residente ng QC. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended