Life sa drug pusher na Chinese
September 10, 2004 | 12:00am
Habambuhay na pagkabilanggo ang inihatol ng Manila Regional Trial Court (RTC) laban sa isang Chinese national matapos itong mapatunayang nagbebenta ng ipinagbabawal na gamot, tatlong taon na ang nakakaraan sa Maynila.
Bukod sa habambuhay na pagkakabilanggo, pinagbabayad din ni Judge Antonio Eugenio Jr. ng RTC Branch 23 ng halagang P1 milyon ang akusadong si Wang Shitzhi a.k.a. Jimmy Ong, samantalang pinawalang-sala naman ng korte ang mga kasama nitong sina Lim Shu Hai alyas Ramon Lim at Tai Ti Yun.
Batay sa rekord ng Korte, naganap ang insidente noong Pebrero 5, 2001 matapos na magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Department of Interior and Local Government (DILG) special task force sa room 505 ng Skyrise Hotel na matatagpuan sa Recto Avenue, Binondo, Manila kung saan naka-check-in sina Ong.
Isang poseur-buyer ang nagpanggap na bibili ng ipinagbabawal na gamot sa mga akusado ng may 4.80 gramo ng shabu sa nasabing hotel sa halagang P1,500.
Nabatid na napagkasunduan din ng impormante at ni Ong na muling magkita matapos ang limang araw dahil sa pagbili ng una sa huli ng may 1 kilo ng shabu at maghanda ng P750,000 bilang kabayaran.
Subalit noong dumating ang napagkasunduang araw ng mga akusado at awtoridad na kukunin ang isang kilo ng shabu ay hindi ito narekober dahil sa biglang pagsulpot ng mga kasamahang pulis ng poseur-buyer na naging dahilan para mabulabog ang tatlo at hindi na nailabas pa ang droga.
Tanging narekober lamang sa lugar ng insidente ay dalawang piraso ng P1,000 na boodle money at isang berdeng bag at ang 4.80 gramo ng shabu. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am