^

Metro

Mag-ina dinukot sa Taguig

-
Isang 30-anyos na ginang kasama ang mahigit isang taong gulang niyang anak na lalaki ang kapwa dinukot ng hindi pa nakikilalang suspect habang naglalakad ang mga ito sa Taguig, kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang mag-inang biktima na sina Amparo Talavera, at anak nitong si Isaiah, residente ng Block 23, Lot 25, EP Housing Phase 1, Brgy. Western Bicutan ng bayang ito.

Kaagad namang tumakas ang hindi pa nakikilalang suspect tangay ang nasabing mga biktima na nakasakay sa isang Toyota Crown na kulay gray, na may plakang TPS-520.

Sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-10:30 ng gabi sa Block 23, Lot 25, EP Housing Phase 1m Brgy, Bicutan, Taguig.

Nabatid na habang naglalakad ang mga biktima ay bigla na lamang nilapitan ng suspect at sapilitang isinakay sa nasabing sasakyan.

Isang masusing imbestigasyon pa ang isinasagawa ng pulisya ukol dito para mabatid kung ano ang motibo sa pagdukot sa mag-ina at kung sino ang posibleng gumawa nito. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

AMPARO TALAVERA

BICUTAN

BRGY

HOUSING PHASE

ISANG

KAAGAD

LORDETH BONILLA

TAGUIG

TOYOTA CROWN

WESTERN BICUTAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with