Nakilala ang nadakip na suspect na si Renato Paredes, ng Dapitan St., Sampaloc, Maynila.
Ayon sa ulat, nadakip ng mga miyembro ng Station 5 Mobile Patrol Unit ang suspect dakong alas-10:30 ng gabi sa panulukan ng Padre Faura at Adriatico St. Ermita, Maynila.
Isang bata ang takot na takot na lumapit sa nagpapatrulyang pulis at isinumbong ang ipinagagawa sa kanila ng suspect na si Paredes. Agad namang naaresto si Paredes habang kasama pa ang apat na batang palaboy.
Base sa inisyal na pagsisiyasat, tinatayang nasa 8 hanggang 12-taong gulang ang mga batang kinukuha ni Paredes na ibinebenta nito sa mga dayuhang pedopilya.
Ayon sa isang biktima nito na itinago sa pangalang "Junjun" na ibinenta siya ni Paredes sa isang Amerikano sa halagang P1,500. Matapos umano siyang abusuhin ng dayuhan, binigyan siya ni Paredes ng P500.
Malaki naman ang hinala ng pulisya na miyembro si Paredes ng isang malaking sindikato ng white slavery at child prostitution sa Ermita. Ito marahil ang nagsisilbing bugaw ng sindikato. (Ulat ni Danilo Garcia)