^

Metro

WPD cops hindi magsusuot ng 'anti-kotong' pins

-
Muli na namang kinontra ng mga pulis-Maynila ang kautusan ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP), matapos na tumanggi ang mga ito na isuot ang ‘anti-kotong’ pins na naglalayon umanong mawakasan ang kotong operation sa mga lansangan at police station.

Sa panayam ng PSN, tahasang sinabi ni SPO2 Antonio Emmanuel, pangulo ng Manila’s Finest Brotherhood Association (MFBA) na hindi sila magsusuot ng ‘anti-kotong’ pins kahit pa inatas ito ni PNP Chief Director General Edgar Aglipay sa dahilang simbolo umano ng organization ng PNP ang kanilang uniporme at ang pagsabit ng naturang pin ay labis na makakasira sa kanilang imahe sa halip na makatulong.

Mistula na rin umanong inamin ng pulis na magsusuot nito na sobrang talamak na ang pangongotong sa lahat ng tauhan ng PNP na siyang tatatak sa isipan ng publikong makakakita sa mga pins.

Tinuligsa rin ni Emmanuel ang pagbibigay ng pangalang TABA cops (Tamad, Abusado, Bastos at Ayaw padisiplina) sa mga scalawags na pulis na lalong nagdidiin sa kabulukan ng imahe ng PNP.

Mas nararapat umano na bumuo ng mga programa ang PNP na pupuri sa mga mararangal at tapat na pulis at magbigay ng insentibo para tumaas ang moral ng pulisya kaysa bansagan sila ng pangalan na nadadamay ang lahat.

"Lalo lang nilang pinapapangit ang imahe ng PNP, pinababa pa nila ang moral ng marami," dagdag pa ni Emmanuel. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

ABUSADO

ANTONIO EMMANUEL

AYAW

CHIEF DIRECTOR GENERAL EDGAR AGLIPAY

DANILO GARCIA

EMMANUEL

FINEST BROTHERHOOD ASSOCIATION

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PNP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with