Grade 6 pupil hinalay ng guro
September 7, 2004 | 12:00am
Isang elementary teacher ang ipinagharap ng reklamong panghahalay ng isa niyang 14-anyos na pupil, kahapon sa Pasay City.
Kinilala ang inireklamong guro na si Alfredo De Guzman, 44, Physical Education (PE) teacher sa Zamora Elementary School at naninirahan sa Brgy. Lower Bicutan, Taguig.
Sa reklamo ng biktimang itinago sa pangalang Rose, 14, grade six pupil sa nabanggit na paaralan na isinagawa ng suspect ang panghahalay sa kanya sa loob ng storage room ng paaralan na matatagpuan sa Tramo, Pasay City sa magkakahiwalay na insidente noong buwan ng Marso, 2004.
Ayon sa biktima, sapilitan umano siyang ipinasok ng guro sa loob ng storage room at doon isinakatuparan ang panghahalay. Tinakot pa umano ng guro ang biktima na ibabagsak at hindi makaka-graduate kung hindi ito papayag sa kanyang kagustuhan.
Hindi naman nakayanang itago pa ng biktima ang sinapit niya sa kamay ng guro kung kaya nagsumbong siya sa kanyang mga magulang sanhi upang tuluyang ireklamo sa pulisya ang naturang guro. (Ulat ni Lorderth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest