Coed nagbaril sa sarili
September 5, 2004 | 12:00am
Masusing sinisiyasat ng mga awtoridad ang dahilan ng umanoy pagpapakamatay sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili ng isang estudyante sa loob ng silid nito, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.
Namatay habang ginagamot sa Bernardino General Hospital si Janise Ian Carpio, 22, dalaga at residente ng 39 Lazaro Subd., Damong Maliit, Brgy. Nagkaisang Nayon, Novaliches ng nasabing lungsod. Nagtamo ito ng tatlong tama ng bala ng baril sa tiyan.
Sa imbestigasyon ni PO1 Ernesto Fabre ng Central Police District-Criminal Investigation Unit (CPD-CIU) dakong alas-11:30 ng gabi ng maganap ang insidente sa loob ng kuwarto ng biktima.
Ayon sa ama ng biktima na si Inspector Edgardo Carpio, nakatalaga sa Western Police District (WPD) nakarinig na lamang sila ng tatlong putok ng baril mula sa silid ng kanyang anak.
Agad nilang tinungo ang silid ng biktima subalit nakakandado ito at walang sumasagot ng kanilang katukin.
Dahil dito, napilitan si Inspector Carpio na puwersahing buksan ang kuwarto ng anak. Agad itong isinugod sa ospital subalit namatay din makaraan ang ilang minuto.
Inaalam pa ng pulisya kung ang baril ng kanyang ama ang ginamit ni Janise sa pagpapakamatay.
Gayunman, patuloy pa rin ang isinasagawang pagsisiyasat ng mga awtoridad upang malaman kung may naganap na foul play sa insidente. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended