^

Metro

8 NPA nasabat sa checkpoint

-
Walo kataong pinaniniwalaang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang dinakip makaraang mahulihan ng mga baril at bala sa isinagawang checkpoint, kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.

Nakilala ang mga nadakip na sina Eric Ignacio, 25; Joven Bartulay, 44; Rafael Santos, 24; Ramil Olivia, 25; Rannie Garcia, 24; Rey Francisco, 20; Inocentes Duhang, 59 at Mariano Garcia, 29, pawang mula sa Montalban, Rizal.

Ayon sa pulisya, dakong alas-2:30 ng madaling-araw nang masabat sa checkpoint sa kahabaan ng Molave St. sa Brgy. Payatas ang walo habang sakay sa isang walang plakang Ford Fierra.

Nakuha sa mga ito ang tatlong. 45 caliber, magnum .357 revolver, bala ng baril, dalawang M-16 automatic rifle, magazine at mga bala.

Hindi naman nagbigay ng anumang pahayag ang mga nadakip kung bakit sila may dalang matataas na kalibre ng baril. Malaki rin ang hinala ng pulisya na hindi totoong ito ang mga pangalan ng mga suspect at posibleng ang ibinigay ng mga ito sa pulisya ay coded.

Ayon pa sa pulisya posibleng may isasagawang misyon ang mga ito nang masabat sa checkpoint.

Maaaring sangkot din ang mga ito sa mga malalaking holdapan na nagaganap sa Metro Manila o kaya ay sa kaso ng pangingidnap.

Nakatakdang sampahan ng kasong illegal possession of firearms ang mga nadakip sa Quezon City Prosecutors Office at posibleng dalhin din ang mga ito sa Camp Crame o sa intelligence service ng AFP. (Ulat ni Doris Franche)

AYON

CAMP CRAME

DORIS FRANCHE

ERIC IGNACIO

FORD FIERRA

INOCENTES DUHANG

JOVEN BARTULAY

MARIANO GARCIA

METRO MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with