Binata inatado habang natutulog

Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng hindi pa nakikilalang suspect ang isang lalaki habang natutulog kahapon ng madaling araw sa Quezon City.

Dead on arrival sa East Avenue Medical Center ang biktima na nakilalang si Redentor Roco, 23, binata, ng Blk. 37, Lot 6, Golden Shower St. Payatas-B ng nasabing lungsod.

Batay sa report ni PO3 Mario Toriano, dakong alas-12:30 ng madaling araw ng bigla na lamang saksakin ng 10 beses ng suspect ang nahihimbing na biktima at mabilis na tumakas.

Hinihinalang gumanti ang suspect dahil na rin sa atraso ng biktima.

Itinaon ng suspect ang pagpatay habang natutulog ang biktima. (Ulat ni Doris Franche)

Show comments