^

Metro

Mga guwardiya sa kulungan bawal gumamit ng cell phones

-
Ipinagbabawal ni Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) chief Director Arturo Alit sa lahat ng mga jailguards ang paggamit ng cellphone sa loob ng mga city at municipal jails upang mapagtuunan ang kanilang tungkulin.

Ayon kay Alit, kailangan niyang ipatupad ang nasabing regulasyon upang mas maging epektibo ang pagbabantay ng mga jailguards at maiwasan na rin ang anumang uri ng iligal na aktibidad.

Aniya, tanging ang mga jailwarden lamang ang kanyang binibigyan ng karapatan na gumamit ng cellphone sa loob ng jail upang madaling makausap ng kanilang superior.

Aminado naman sina QC Jailwarden Supt. James Labordo at Manila City Jailwarden Supt. Gilbert Marpuri na kadalasang nagagamit ang cellphones sa ilang illegal activities na kanila ngayong sinusugpo.

Bagama’t nahihirapan ang kani-kanilang mga jail personnel sa bagong patakaran, kailangang ipatupad ito upang mabigyan ng seguridad ang kanilang mga inmates. Tanging telepono at two-way radio ang kanilang ginagamit sa communication.

Nilinaw din ni Alit na ang mga escort ng mga inmate sa korte ay maaari lamang magbukas ng kanilang cellphone kung patungo na sa hearing at dapat ding patayin kung babalik na sa jail.

Matatandaan na ilang illegal activities na sa paggamit ng cellphone ang nahuli ng BJMP kung saan karamihan dito ay kinasangkutan ng mga jailguards at preso na agad na inaksiyunan ng kawanihan. (Ulat ni Doris Franche)

AMINADO

ANIYA

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY

DIRECTOR ARTURO ALIT

DORIS FRANCHE

GILBERT MARPURI

JAILWARDEN SUPT

JAMES LABORDO

MANILA CITY JAILWARDEN SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with