^

Metro

Rigodon sa PNP, tiyak na

-
Isang malawakang rigodon ang magaganap sa hanay ng Philippine National Police (PNP) sa linggong ito.

Sinabi ni PNP Chief Director General Edgar Aglipay, na ang revamp ay ipapatupad upang malagyan ng tauhan ang mga nabakanteng posisyon ng mga nagretirong police officers.

Ayon pa kay Aglipay, ang buong command group ang maaapektuhan ng rigodon na ang ibig sabihin ay mula ito sa directorial staff hanggang sa regional level.

Una nang nagkaroon ng balasahan sa Metro Manila matapos na maupo sa puwesto si Aglipay noong Agosto 23.

Bukod rito, anim na sa 12 senior police officials ang tuluyan nang nag-exit matapos na sumapit sa kanilang mandatory retirement age na 56.

Magugunitang si Aglipay ay nakatakdang magretiro sa darating na Setyembre 13 subalit pinalawig ito ni Pangulong Arroyo at binigyan ng anim na buwang ekstensyon.

Inaasahang bukas o sa Martes ihahayag ang rigodon.

Tiniyak din naman ni Aglipay na mabibigyan ng bagong assignment ang mga nasa floating status. (Ulat ni Angie dela Cruz)

AGLIPAY

AGOSTO

ANGIE

AYON

BUKOD

CHIEF DIRECTOR GENERAL EDGAR AGLIPAY

CRUZ

METRO MANILA

PANGULONG ARROYO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with