Paslit lumutang sa ilog; pinapak ng isda
August 29, 2004 | 12:00am
Isang di pa nakikilalang batang lalaki ang natagpuan ng mangingisda na lulutang-lutang sa isang bahagi ng ilog, kahapon ng umaga sa Marikina City.
Ang biktimang natagpuang hubot hubad at may mga kagat ng isda sa katawan ay tinatayang nasa edad 5 hanggang anim na taong gulang.
Batay sa ulat ni SPO2 Glenn Aculana, natagpuan ang biktima dakong alas-9 ng umaga sa ilog malapit sa Balubad Resettlement Site, Brgy. Malanday ng nabanggit na lungsod.
Nabatid na napansin ng mangingisdang kinilalang si Joly Milan, 32, residente ng nabanggit na lungsod na mayroong malalaking isda ang nagkukumpulan di-kalayuan sa kanyang pinangingisdaan kung kayat nilapitan niya ito.
Laking gulat niya nang makita ang lumulutang na biktima na mayroong mga sugat sa katawan sanhi ng kagat ng mga isda at nagtataglay na ng mabahong amoy dahil sa nagsisimula na itong maagnas.
Agad na ipinagbigay-alam ni Milan sa pulisya ang natuklasan. Mabilis namang rumesponde ang pulisya upang maiahon agad ang bata sa tubig.
Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang pulisya para sa pagkakakilanlan ng biktima. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended