Mag-asawang drug lord, timbog
August 29, 2004 | 12:00am
Nadakip ng mga tauhan ng PNP Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Force (AIDSOTF) ang isang mag-asawa na pinaniniwalaang big-time supplier ng droga sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa sa Edsa, Pasay City.
Kinilala ni Supt. Eduardo Acierto, ng 3rd Special Operations Unit ng AIDSOTF ang mga nadakip na sina Cairoden Nanak, alyas Abe/ Bobby, 34, tubong Marawi at ang asawa nitong si Monina Nanak, 31, kapwa residente ng #22 Manisan St., Quiapo Manila.
Ayon sa ulat nasamsam sa mag-asawa ang isang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng dalawang milyong piso; isang .45 cal. pistol at mga bala.
Binanggit pa sa report na dakong alas-10 ng gabi ng matimbog ang mag-asawa sa may parking lot ng Copacobana Apartelle sa may Edsa sa Pasay City.
Napag-alaman na ang operasyon ay isinagawa ng mga awtoridad matapos makatanggap ng ulat na ang mag-asawa ay sangkot sa maramihang pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot.
Matapos matiyak sa isinagawang surveillance operation inihanda na ang bitag sa mga ito sa naturang lugar na doon nga nasamsam sa kanila ang isang kilo ng shabu.
Nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso ang mga suspect. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended