Engineer na wanted sa pyramiding timbog
August 28, 2004 | 12:00am
Matapos ang matagal na pagtatago sa batas, naaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang engineer na sangkot sa billion peso pyramiding scam sa San Juan.
Si Engr. Leo Andreau Hadi, 30, kasalukuyang Pangulo at Chief Executive Officer ng H-Factor Marketing and Trading Corp. na may tanggapan sa BR Building A. Bonifacio St., Conlalay, Biñan Laguna ay naaresto sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Hilario Corcuera ng San Juan Regional Trial Court.
Sa imbestigasyon ni Atty. Edmund Arugay NBI-National Capital Region na noong Mayo 2003 ay daan-dang complainants ang humingi ng tulong sa kanila upang imbestigahan si Hadi na magbibigay sa kanila ng 10% monthly interests para sa kanilang investment subalit hindi ito natupad matapos silang magbigay ng halagang umaabot sa P1.2 milyon bawat isa.
Bunsod nito kaya sinampahan si Hadi ng syndicated estafa sa Biñan, Laguna Regional Trial Court Branch 25 at walang inirekomendang piyansa sa pansamantalang paglaya nito.
Matapos nitong malaman na kinasuhan siya nagtago na ito sa mahabang panahon.
Kamakalawa nakatanggap ng impormasyon ang NBI na si Hadi ay nasa isang realty business kung saan nakikipag-transaksyon sa kanya ang isang asset sa bureau kung saan ng magkita ang mga ito ay doon ito inaresto. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
December 24, 2024 - 12:00am
December 23, 2024 - 12:00am