^

Metro

Kuta ng 'Tirtir' at 'BNG' gang sinalakay

-
Sinalakay ng mga tauhan ng Intelligence Unit ng Central Police District ang umano’y hideout ng mga pinaniniwalaang holdaper at drug pusher kung saan isa dito ang malubhang nasugatan matapos na manlaban sa mga awtoridad, kahapon ng tanghali sa Quezon City.

Nakilala ang sugatang suspect na kasalukuyang ginagamot sa East Avenue Medical Center (EAMC) na si Mario Guimara, 38, alyas Bromar, ng San Roque Alley, Agham Road, Quezon City. Sumasailalim naman sa interogasyon sa himpilan ng pulisya ang umano’y bodyguard nito na sina Nicole Quizora at Wilson Acorda ng nabanggit ding lugar.

Ayon kay Chief Inspector Rudy Jaraza, hepe ng intelligence unit ng CPD na isi-serve nila dakong alas-12:30 ng tanghali ang search warrant na inisyu ni QCRTC Judge Natividad Dizon kay Guimara nang biglang sumipol ang isa sa mga bodyguard nito na palatandaan na may paparating na mga pulis.

Agad namang kinuha ni Guimara ang kanyang baril at mabilis na pinaputukan ang mga paparating na awtoridad. Dahil dito, gumanti naman ng putok ang mga pulis kung saan tinamaan si Guimara sa katawan.

Ayon pa sa pulisya nakatanggap sila ng report na sa naturang lugar naglulungga ang mga kilabot na holdaper kung kaya agad silang nagsagawa ng surveillance at saka kumuha ng search warrant.

Kabilang umano sa naglulungga dito ang mga ‘Tirtir’ at ‘Bahala Na Gang’ na nag-ooperate sa kahabaan ng Commonwealth, Quezon Avenue at EDSA. (Ulat ni Doris Franche)

AGHAM ROAD

AYON

BAHALA NA GANG

CENTRAL POLICE DISTRICT

CHIEF INSPECTOR RUDY JARAZA

DORIS FRANCHE

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

GUIMARA

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with