^

Metro

Buntis pumalag sa rape sinaksak, kritikal

-
Pinagsasaksak ang isang 30-anyos na limang buwang buntis na ginang ng isang 19-anyos na estudyante na kanyang kapitbahay matapos pumalag ang una sa tangkang panggagahasa ng huli, kamakalawa ng gabi sa Taguig.

Nasa kritikal na kondisyon at nilalapatan ng lunas sa Rizal Medical Center ang biktimang si Mayda Maliwat ng Block 125 Sitio Imelda, Purok 6 ng Brgy. Upper Bicutan ng bayang ito sanhi ng ilang saksak na tinamo sa ibat-ibang bahagi ng katawan.

Mabilis namang tumakas ang suspect na si George Honrada, ng nabanggit ding lugar.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-11:30 ng gabi sa loob ng bahay ng biktima sa Block 125, Sitio Imelda, Purok 6, Brgy. Upper Bicutan, Taguig.

Nabatid na limang buwang buntis ang ginang at nag-iisa lamang ito sa kanyang bahay ng biglang pasukin ng suspect na armado ng kutsilyo.

Tangkang gagahasain ng suspect ang ginang ngunit pumalag ito.

Nagalit ang suspect sa pagpalag ng biktima hanggang sa nagmakaawa ang ginang at isinuhol pa ang pera at alahas upang huwag lang ituloy ng suspect ang balak.

Gayunman, pinagsasaksak pa rin ng suspect ang biktima hanggang sa tuluyang tumakas.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa kaso at ang pagtugis sa suspect. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BRGY

GEORGE HONRADA

LORDETH BONILLA

MAYDA MALIWAT

PUROK

RIZAL MEDICAL CENTER

SITIO IMELDA

SUSPECT

TAGUIG

UPPER BICUTAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with