^

Metro

Pamilya minasaker: 2 patay, 1 sugatan

-
Isang matandang mag-asawa ang nasawi, habang kritikal naman sa pagamutan ang anak ng mga ito na empleyado ng GMA Channel 7 nang pagbabarilin ng kanilang adik na guwardiyang kapitbahay na matagal nang may galit sa kanilang pamilya, kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.

Namatay sa pinangyarihan ng insidente sanhi ng mga tama ng bala ng baril sa katawan ang mga biktimang sina Carlos Montano, 67, retiradong overseas Filipino worker at asawa nitong si Warlita, 57, kapwa ng #29 L. Cruz Compound Sta. Quiteria, ng nasabing lungsod.

Inoobserbahan naman sa Quezon City General Hospital ang anak nilang si Darwin, 26, empleyado ng Channel 7 na nagtamo rin ng tama ng bala ng naturang baril sa katawan.

Arestado naman at nakakulong ang suspect na si Ernesto Taylor Jr., 27, security guard at kapitbahay ng pamilya Montano.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-5:45 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng mga biktima kung saan kasalukuyang nanonood ng pang-umagang telebisyon ang mag-asawang matanda nang bigla silang pasukin ng suspect na armado ng kalibre .38 baril.

Agad na pinaputukan ng suspect ang mag-asawa bago tinungo ang silid ni Darwin na kasalukuyang natutulog sa kanyang silid at ito naman ang pinaputukan ng dalang baril.

Isa pang anak ng mag-asawa na si Charles ang nakarinig ng putok ng baril ang agad na lumabas ng kanilang bahay at nagtungo sa Police Community Precinct 2 ng Caloocan Police upang humingi ng tulong.

Ayon sa mga rumespondeng pulis, inabutan nila ang suspect na kasalukuyang nakatayo sa pintuan ng bahay ng mga Montano at nang makita nito ang mga awtoridad ay tinangka pa nitong tumakas subalit agad ding nasakote at nakuha ang baril na ginamit nito.

Nabatid pa sa mga awtoridad na bago ang insidente ay napatay ng suspect ang isang kapwa security guard sa harap ng Erap City sa Rodriguez, Rizal nang tumanggi ang kanyang kasamahan na ibigay ang service firearm nitong kalibre .38 na siya namang ginamit nitong pamamaril sa pamilya Montano. (Ulat ni Rose Tamayo)

CALOOCAN CITY

CALOOCAN POLICE

CARLOS MONTANO

CRUZ COMPOUND STA

ERAP CITY

ERNESTO TAYLOR JR.

MONTANO

POLICE COMMUNITY PRECINCT

QUEZON CITY GENERAL HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with