Bomba iniwan sa food chain
August 26, 2004 | 12:00am
Nabulabog ang mga kostumer sa isang food chain matapos na matagpuan ang isang attache case na naglalaman ng bomba at anumang oras ay maaaring sumabog at magdulot ng trahedya, kamakalawa sa Parañaque City.
Sa ulat ng pulisya, dakong alas-4 ng hapon kamakalawa nang matagpuan sa loob ng isang food chain na nasa panulukan ng Kabihasnan at Ninoy Aquino Avenue sa Brgy. San Dionisio ng nabanggit na lungsod ang naturang bomba.
Ayon kay Butch Salaya, service crew sa naturang food chain na isang kostumer ang nakaiwan ng attache case kung saan kanya itong dinampot at inihabol sa may-ari.
Ngunit bigla nang nawala ang naturang kostumer kung kaya napilitan ang management na tumawag ng tanod para alamin kung ano ang laman ng attache case.
Nabatid na naglalaman ito ng isang uri ng pampasabog at mahahalagang dokumento na nasa pangalan ng isang D. Carter na may address sa Olympia Fielos, West Chester, Ohio, USA.
Patuloy pa ring iniimbestigahan ang naturang insidente. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am