^

Metro

Traders pumalag sa 'lechon robbery'

-
Pinaghahanap ngayon ng mga tauhan ng La Loma Police Station ang isang grupo ng mga armadong kalalakihan na sakay ng isang van matapos na kunin at nakawin ng mga ito ang limang lechon sa mga tindahan sa Quezon City.

Batay sa blotter ng CPD La Loma Station na may pamagat na ‘Lechon Robbery’, naganap ang insidente dakong alas-12:30 ng tanghali matapos na magreklamo ang mga tauhan ng tatlong tindahan ng lechon na nasa Calavite St., Brgy. Paang Bundok, La Loma.

Sa pahayag nina Ryan Ferreros ng Ryan’s Lechon; Rodolfo Salote ng Mila’s Lechon at Albert Guilange ng Mongchee’s Lechon na bigla na lamang dumating ang isang KIA van na may sakay ang ilang lalaki na nakasuot ng itim na t-shirt at armado ng mga baril.

Bumaba ang mga suspect at biglang kinuha ang limang lechon na nagkakahalaga ng P4,000 bawat isa.

Sinabihan umano sila ng mga ito na ‘clearing operation’ lamang ang kanilang ginagawa dahil nakakasagabal umano sa daloy ng trapiko ang mga naka-display na lechon. Subalit wala namang ibinigay sa kanila na anumang citation ticket o anumang violation.

Patuloy na inaalam ng mga awtoridad kung sino ang posibleng sangot sa ‘lechon robbery’. (Ulat ni Doris Franche)

ALBERT GUILANGE

CALAVITE ST.

DORIS FRANCHE

LA LOMA

LA LOMA POLICE STATION

LA LOMA STATION

LECHON

LECHON ROBBERY

PAANG BUNDOK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with