^

Metro

Mag-tiyong humoldap at humalay sa dalaga,timbog

-
Bagsak sa kulungan ang isang magtiyuhin matapos na mabuhay ang dalagang kanilang hinoldap at hinalay at saka itinapon sa akalang patay na, kahapon ng madaling araw sa Malabon City.

Nakilala ang mga suspect na sina Warlito Torres, 24, ng 110-5 Daang Bakal, Brgy. Acacia at ang pamangkin nitong si Arvin Fuentes, 15, tricycle driver, ng Brgy. Potrero, ng nabanggit na lungsod.

Nasa ligtas namang kalagayan ang biktima na itinago sa pangalang Tina, 21, ng Malabon City na nagtamo ng sakal sa leeg at mga galos at pasa sa katawan.

Base sa ulat ng pulisya, dakong alas-2 ng madaling- araw nang maganap ang insidente sa isang palaisdaan na matatagpuan sa Brgy. Dampalit ng naturang lungsod.

Sa salaysay ng biktima sa mga awtoridad, sumakay siya sa tricycle na pinapasada ng suspect na si Fuentes ngunit kauupo pa lamang niya sa loob nang biglang pumasok at tumabi sa kanya si Torres.

Agad siyang tinutukan ng patalim sa tagiliran at nagdeklara ng holdap at nang makuha na nito ang pera ng biktima na umaabot sa halagang P300 at ilang alahas ay inutusan naman nito ang kanyang pamangkin na dalhin sila sa palaisdaan sa Brgy. Dampalit.

Pagsapit sa lugar kinaladkad ni Torres ang biktima at doon ginahasa.

Bago tuluyang tumakas sinakal umano siya ni Torres at pinagsusuntok sa sikmura hanggang sa mawalan siya ng malay.

Inakala ni Torres na patay na ang biktima kung kaya isinakay uli nila ito sa tricycle at saka itinapon sa liblib na lugar.

Ilang residente sa lugar ang nakapansin sa ginawa ng magtiyuhin kayat sinaklolohan ang biktima at sa pagamutan ito muling binalikan ng ulirat at isinalaysay ang pangyayari. Agad namang nagsagawa ng follow-up operation ang mga pulis at nadakip ang mag-tiyo. (Ulat ni Rose Tamayo)

ARVIN FUENTES

BAGSAK

BIKTIMA

BRGY

DAANG BAKAL

DAMPALIT

FUENTES

MALABON CITY

ROSE TAMAYO

WARLITO TORRES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with