Aktor na si Ricardo Cepeda,biktima ng hit and run

Nakaligtas sa tiyak na kamatayan ang aktor na si Ricardo Cepeda matapos itong maging biktima ng hit-and-run ng hindi pa malamang sasakyan habang sakay ng kanyang motorsiklo, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Agad na itinakbo si Cepeda, Ricardo Go sa tunay na buhay sa Quirino Memorial Medical Center matapos itong magtamo ng galos sa ulo at braso.

Batay sa report, naganap ang insidente dakong alas-7:40 ng gabi habang binabagtas ni Cepeda, asawa ng aktres na si Snooky Serna ang south bound lane ng Katipunan Avenue sa harap ng Ateneo University.

Bigla na lamang dumaan ang isang sasakyan kung saan nabangga ang aktor at tumilapon. Gayunman, dumiretso pa rin sa pagtakbo ang suspect.

Ilang bystander ang nakasaksi sa insidente at dinala ang aktor sa pagamutan. (Ulat ni Doris Franche)

Show comments