^

Metro

Dalagita nilamon ng apoy

-
Kasamang nilamon ng apoy ang isang 16-anyos na dalagita at tinataya namang aabot sa milyong halaga ng ari-arian ang naabo makaraang masunog ang isang bahay kahapon ng madaling-araw sa Las Piñas City.

Patay na nang matagpuan ng mga bumbero sa loob ng nasusunog na bahay si Jenny Rose Ocampo ng #14 Sweet Pea St., Doña Manuela Subd., Barangay Pamplona sa nabanggit na lungsod sanhi ng matinding sunog na tinamo nito sa buong katawan.

Sa inisyal na ulat ng Las Pinas Fire Department, naganap ang insidente dakong alas-12 ng madaling-araw matapos na sumiklab ang apoy mula mismo sa loob ng bahay habang natutulog ang biktima na pag-aari ni Braulio Bedico sa nabanggit na lugar.

Batay na rin sa ulat, tanging ang bahay lamang ni Bedico ang nasunog at inaalam pa kung sino ang mga kasama ng biktima sa loob ng bahay nang mangyari ang insidente.

Sa kasalukuyan ay isang masusing imbestigasyon ang isinasagawa ng mga awtoridad upang alamin kung may nangyaring foul-play sa nasabing insidente. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BARANGAY PAMPLONA

BATAY

BEDICO

BRAULIO BEDICO

JENNY ROSE OCAMPO

LAS PI

LAS PINAS FIRE DEPARTMENT

LORDETH BONILLA

MANUELA SUBD

SWEET PEA ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with