Nabatid na magsusuot ang ilan sa mga miyembro ng nasabing team ng damit sibilyan, habang ang iba namay magkukunwaring mga driver na gagamit din ng mga video camera upang mahuli sa akto ang mga kotongerong pulis at traffic enforcers.
Aarestuhin din ng mga ito ang mga abusadong drayber na magbibigay ng "lagay" sa mga pulis at traffic enforcers at sasampahan ng kasong paglabag sa Article 212 ng Revised Penal Code o anti-Bribery Law, habang kasong kriminal at administratibo naman ang kahaharapin ng mga pulis at enforcers na lalabag dito.
Sasalakayin rin ng "Bulabog Team" ang mga iligal terminal sa Metro Manila na may proteksyon ng mga pulis sa kanilang kinasasakupan at pati na rin ang mga colorum na mga pampasaherong DYIP at Asian Utility Vehicle (AUV) na siyang suki ng mga kotongerong pulis.
Bibigyan naman ng parangal ng NAPOLCOM at NCRPO ang mga miyembro ng nasabing team na may pinakamahusay na performance tuwing flag-raising ceremony kabilang na ang pagbibigay ng cash incentives para sa kanilang serbisyo. (Ulat ni Danilo Garcia)