^

Metro

Masamang tumingin kinuyog,binaril

-
Nanganganib na maputulan ng paa ang isang 17-anyos na binata, makaraang barilin at kuyugin ito ng mga miyembro ng isang fraternity dahil lamang sa masamang tingin nito, kamakalawa ng hapon sa Caloocan City.

Kasalukuyang inoobserbahan sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng tama ng bala ng baril sa kaliwang hita ang biktimang si Virgilio Pasig, Jr., ng #1360 DM Compound, Heroes del 96, Brgy. 73, ng nasabing lungsod.

Kasalukuyan namang pinaghahanap ang mga suspect kung saan nakilala lamang ang dalawa sa mga alyas na Ayi at Ato na umano’y kapwa mga miyembro ng BST Gang at pawang naninirahan sa Baltazar Bukid, Caloocan City.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-3 ng hapon nang maganap ang insidente sa kahabaan ng F. Roxas St., 10th Ave., ng nasabing lungsod kung saan kasalukuyang kasalamuha ng biktima ang kanyang kaibigan na si Ronnel Caliposan sa isang tindahan nang mapadaan ang mga suspect.

Napatingin umano ang biktima sa mga suspect at pilit na kinikilala na minasama naman ng mga suspect na inakalang tinititigan sila ng una ng masama kung kaya’t agad na lumapit ang mga ito sa una at kinompronta ito.

Hindi pa man umano nakapagsalita ang biktima ay agad na pinagtulungang bugbugin ito ng mga suspect at nang bumagsak ito sa lupa ay binaril pa ng mga ito sa kaliwang hita.

Habang halos walang ulirat at duguang nakahandusay ang biktima sa lupa ay agad namang tumakas ang mga suspect dala ang ginamit na baril patungo sa hindi mabatid na direksyon.

Sa kasalukuyan ay nanatili pa ring inoobserbahan sa nasabing pagamutan ang biktima at posibleng maputulan ito ng paa dahil sa labis na pinsala na tinamo nito bunga ng malalim na tama ng bala ng baril na ginamit ng mga suspect. (Ulat ni Rose Tamayo)

BALTAZAR BUKID

CALOOCAN CITY

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

RONNEL CALIPOSAN

ROSE TAMAYO

ROXAS ST.

SUSPECT

VIRGILIO PASIG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with