Sex palit shabu pinaiimbestigahan sa PNP
August 22, 2004 | 12:00am
Kinalampag kahapon ng isang mambabatas ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP), kaugnay sa ulat na shabu na ang ginagawang pambayad sa pagbebenta ng panandaliang aliw.
Ayon kay AVE Rep. Amang Magsaysay, hindi na pera ang hinihingi ng ilan sa mga nagbibigay ng serbisyong sekswal kundi gramo ng shabu.
Sinabi pa ni Magsaysay na depende pa anya ito sa kartada ng naglalako ng laman ang dami ng shabu na ibinabayad ng parukyano.
Anya, hindi na dapat magningas-kugon ang PNP sa operasyon laban sa paghuli sa mga nagbebenta ng aliw, partikular na sa kahabaan ng Quezon Ave. sa Quezon City.
Ayon pa kay Magsaysay na hanggang ngayon ay hindi pa rin nahuhuli ang mga babaeng tumatambay gabi-gabi sa nasabing lugar na karamihan umano ay mga menor-de-edad at lantarang ibinebenta ng mga bugaw sa mga sasakyang dumadaan.
Nanawagan rin si Magsaysay sa mga alkalde sa Metro Manila na gumawa ang mga ito ng konkretong paraan para hulihin itong mga babae at bugaw sa kanilang mga nasasakupang lugar. (Ulat ni Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am