3 parak na nag-eescort sa treasure hunter, arestado
August 21, 2004 | 12:00am
Tatlong miyembro ng Special Action Force (SAF) at dalawang sibilyan kabilang na ang isang treasure hunter ang nadakip ng mga tauhan ng Western Police District (WPD) dahil sa posesyon ng matataas na kalibre na baril sa loob ng isang hotel, kahapon ng umaga sa Malate, Maynila.
Nakilala ang mga nadakip na sina SPO1 Ruben Cordova, PO1 Alejandro Mesa at PO1 Jamaron Sandao, pawang nakatalaga sa Intelligence and Investigation Division ng SAF sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig.
Nadakip din ang negosyante at umanoy treasure hunter na si Jose Rosete at bodyguard nitong si Ervin Buol.
Sa ulat ng pulisya, nadakip ang lima ng pinagsanib na puwersa ng WPD Station 9 at Special Weapons and Tactics Unit dakong alas-9 ng umaga sa loob ng Legaspi Towers sa Roxas Blvd., Malate matapos makatanggap ng impormasyon sa pagdadala ng baril ng nakasibilyan.
Nasamsam sa limang nadakip ang mga baril na M-16 rifle, kalibre .45, dalawang 9mm. pistol, ibat ibang mga bala at magazine, isang Mitsubishi Adventure at isang K-9 unit o sniffing dog.
Sa inisyal na imbestigasyon, sinabi ni Rosete na kinuha umano niyang mga police escort ang tatlong pulis dahil marami siyang natatanggap na death threats.
Agad na sasampahan ng kasong administratibo ang mga pulis kung mapapatunayang hindi sumailalim sa proseso ang kanilang escort service at kasong kriminal kung mapapatunayang sangkot sa anumang krimen o banta ng destabilisasyon. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended