^

Metro

Pekeng Pari huli sa kotong

-
Nagtapos ang pang-aabuso ng isang lalaki sa Simbahang Katoliko matapos na maaresto ito ng mga kagawad ng National Bureau of Investigation (NBI) matapos na magtangkang tumangay ng pera sa ahensya bilang donasyon sa pagpapakain ng mga batang kalsada habang nagpapanggap itong pari.

Iprinisinta kahapon ni NBI director Reynaldo Wycoco ang nadakip na suspect na si Enrico Reyes, tubong Lamitan, Basilan at dating naninirahan sa 13th Avenue, Cubao, Quezon City.

Sa ulat, unang lumapit kay NBI Special Action Unit Chief Vicente De Guzman ang suspect na nagpakilalang si Fr. Reyes nitong nakaraang Hulyo. Isa umano siyang pari na nagsasagawa ng missionary mission sa pagpapakain ng mga batang lansangan na dinala sa mga ampunan kung kaya nagsosolicit ito ng donasyon para dito.

Nabatid na nagbigay naman ng hindi mabatid na pera ang ahensya at nakakuha rin ng donasyon sa mga kakilalang ahensya.

Nakuha naman ni Reyes ang kalahati ng donasyon at sinabing babalikan na lamang niya ang kalahati ng pera.

Habang wala ang suspect, nagtanong-tanong naman si Atty. Ruel Lasala, Task Force Commander ng Anti-Drug Task Force sa mga kakilala nitong pari kung kakilala ang suspect na si "Fr. Reyes"

Dahil sa walang makuhang impormasyon, dumulog si Lasala sa Chancellor ng Roman Catholic Archibishop of Manila kung saan nadiskubre na walang Fr. Enrico Reyes sa kanilang hanay.

Muli namang nagbalik si Reyes sa NBI upang kuhanin ang natitirang donasyon kung saan ito ay nadakip. (Ulat ni Danilo Garcia)

DANILO GARCIA

DRUG TASK FORCE

ENRICO REYES

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

QUEZON CITY

REYES

REYNALDO WYCOCO

ROMAN CATHOLIC ARCHIBISHOP OF MANILA

RUEL LASALA

SIMBAHANG KATOLIKO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with