Lalaki dinedo dahil sa pulutang keso
August 19, 2004 | 12:00am
Patay ang isang 49-anyos na lalaki makaraang pagsasaksakin at pagtatagain ng pitong kalalakihan sa loob ng isang videoke bar dahil lamang sa pulutang keso, kamakalawa ng gabi sa Marikina City.
Hindi na umabot nang buhay makaraang isugod sa Amang Rodriguez Medical Center sanhi ng tinamong mga taga at saksak sa katawan ang biktimang nakilalang si Renato Asuncion, ng 16 Sable St., SSS Village Concepcion Dos ng nabanggit na lungsod.
Naaresto naman ng mga rumespondeng pulisya ang apat sa pitong suspect na nakilalang sina Edmund Manalo, 31; Wilfredo Silva, 29; Michael Basquel, 25 at Christian Rey, 18, samantala pinaghahanap pa ang tatlong mga kasama ng mga ito na pawang residente ng SSS Village sa naturang lungsod.
Sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-8 ng gabi sa loob ng Nenas Videoke bar na matatagpuan sa Panorama St., SSS Village ng nasabing lungsod habang nag-iinuman ang mga suspect at sa kabilang mesa naman ay ang grupo ng biktima.
Nabatid na umorder ang grupo ng biktima ng pulutang keso sa waitress subalit ng dumating ang order ay sa grupo ng mga suspect ito nailapag ng waitress.
Pilit umanong kinukuha ng biktima ang kanilang order sa mesa ng mga suspect subalit tumanggi namang ibigay ito ng mga salarin hanggang sa mauwi sa mainitang pagtatalo hanggang sa nagkaroon ng rambulan sa pagitan ng dalawang grupo.
Pinagtulung-tulungang pagtatagain at pagsasaksakin ng grupo ng mga suspect ang biktima na iniwan na ng kanyang mga kasamahan. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended